Ang Mga Kutsilyo Sa Aking Likuran Ay Isa-isa Nang Natatanggal

10/06/2021

Paano kung 'yong alam mong totoo ay isang kasinungalingan pala? Tulad na lamang ng kasinungalingang kung mapupunta ka sa impyerno ay paparusahan ka ng mga demonyo roon, at ang katotohanan ay ang Diyos mismo ang magpaparusa sa iyo sa impyerno kasama ng mga demonyo kung mapupunta ka doon at sa langit mismo magmumula ang apoy na naroroon.

Halimbawa pa lamang ang binanggit ko at marami pang iba. Iyan lamang ang maibabahagi ko sa ngayon. Sa bawat katotohanang matutuklasan mong kasinungalingan pala ay para kang sinaksak ng taong pinagkakatiwalaan mo sa likod. Sa madaling sabi, trinaydor ka.

Nakakainis isiping tumayo o pinanindigan mo 'yong nalalaman mo dahil ang pagkakaalam mo'y ito ang totoo o tama pero mali pala, kasinungalingan pala. Mapapaisip ka kung papaano nangyari 'yon. Maiisip mo rin na, isa ka rin pala sa karamihan na basta na lamang naniniwala nang hindi man lamang nagsasaliksik, na nagtiwala at nagpauto sa kaalaman ng iilan.

© 2020 Maria Kristina Salada. All Rights Reserved.
Powered by Webnode
Create your website for free! This website was made with Webnode. Create your own for free today! Get started