Repository

12/11/2019

I'm thinking what to blog next since last week. Maraming sumasagi sa isipan ko pero kapag magsusulat na ako, nabablangko na ako. Hindi ko alam kung bakit. Tapos naging busy din ako dahil may hinahabol akong final drill sa subject kong Web Dev. Kaya wala talaga akong time na umupo at magblog. Sa katunayan, puro code ang nasa isip ko. Ayokong bumagsak kaya inaalala ko 'yon. 

Finally, naipasa ko na ito sa prof. ko via email ngayong araw. Sa totoo lang, hindi pa iyon tapos. I mean, may error akong hindi pa nasosolved. Yun na lang talaga then tapos na. Pero hindi ko na kasi alam ang gagawin kaya ipinasa ko na lang. Nagresearch naman ako lahat lahat pero wala pa rin kaya imbis na mamublema pa, ipinasa ko na lang. 

Ang lakas ng loob kong ipasa, di ba? Hahaha... Actually, hindi lang 'yun. Sabi ni prof, he'll give an extra points kapag ipinost as reprository sa GitHub. And I posted it there. Dagdag na rin sa portfolio. HAHAHA! 

If you wanna see it, it's on this linked text: LuzonLGUs 

Kapag nagkaroon ulit ako ng time, siguro after kong magawa ung isa pang project ko sa isa ko pang subject, itutuloy ko ulit iyon. I want to finish it. I'll update y'all if that day happen. Peace out. 

© 2020 Maria Kristina Salada. All Rights Reserved.
Powered by Webnode
Create your website for free! This website was made with Webnode. Create your own for free today! Get started